www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Hinggil sa Pagkain na Dapat Nating Kainin

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

Ang Punong Kahoy ng Buhay

Inihayag noong ika-15 ng Oktubre 2011

 

Ang tunay na kahulugan ng “Punong Kahoy ng Buhay,” ano ang kahulugan at ang kahalagahan nito sa ating kasalukuyang panahon.

 

Kung ayon sa sinasabi ng mga relihiyon na tayo ay may ikalawang buhay, na kapag tayo ay namatay sa langit tayo mapupuntapupunta, bakit pa tayo paaasahin na makamit ang “punongkahoy ng buhay” at ang “tubig ng buhay” upang magkaroon tayo ng walang hanggang buhay sa mundo kung makakatanaggap rin naman tayo niyon sa langit?

 

Alamin natin ang tunay na kahulugan ng  “Punong Kahoy ng Buhay” sa Banal na Aklat…

At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man:

Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bungkalin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.

Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang sisang  Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Genesis 3:22-24 (TAB)

“parang isa sa atin” – bakit?

 

“nakakakilala ng mabuti at ng masama” – gumawa ng masama o hindi sumunod sa utos ng Dios, at nalaman nila na sila (Adan at Eba) ay mapaparusahan.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista: Ang aral nito sa atin ay “Ang maloko ng iba ay masama.” Ayaw ng Dios ng mga masuwayin, kaya hindi sila (Adan at Eba) binigyan pa ng mahabang buhay.

 

“pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay” – Mapipitas mo ba ang buhay? Ibig sabihin, totoong pagkain ito na pipitasin at kakainin. Pagkain nakakapagpahaba ng buhay. Ito sana ang magiging gantimpala nina Adan at Eba kung sinunod lamang nila ang Dios na huwag kumain ng bunga mula sa “kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.”

 

 “upang ingatan ang daang patungo” – Ang sabi Maestro Evangelista, nariyan lang ang “punong kahoy ng buhay”, hindi inalis. May pagasa pang humaba ang buhay natin, gaya ng mga mahahabang buhay ng mga taong nabanggit sa Banal na Aklat.

 

Tanong: Sa panahon natin, papaano makikilala ang mabuti at ang masama?

At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.

Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.

Ecclesiastes 12:12-14 (TAB)

“ang maraming paaaral ay kapaguran ng katawan” – kung pagaaralan natin ang Banal na Aklat ay mapapagod lamang tayo, dahil hindi naman tayo binigyan ng kapahintulutan na magpaliwanag ng mga kahulugan nito. Ilang libong taon na binabasa, pinagaralan at ipinangaral ng mga relihiyon ang mga nilalaman ng aklat na ito, nagtagumpay ba sila na mapagkaisa ang mga tao sa mundo?

 

Kaya nga nagparating ang Dios ng kanyang sugo upang tayo ay maliwanagan (ipakita ang mabuti at ang masama at ipaunawa) na ang mga nasusulat sa aklat na ito at hindi tayo mapagod sa paghahanap ng mga kasagutan sa ating mga tanong sa buhay. Di gaya ng mga relihiyon na pinagaralan ang Banal na Aklat, matapos basahin at bigyan ng kani-kanilang mga sarili nilang kahulugan ay nagaaway-away.

 

“matakot sa Dios” – Sumunod ba sila Adan at Eba sa utos ng Dios sa Halamanan sa Eden?

 

Sa ating panahon naganap ang utos ang Dios na may darating na isang propeta na ipakikilala ang Kanyang Pangalan at ang kahulugan ng Banal na Salita sa mga tao sa mundo. Kapag pinakinggan natin ang propetang inutusan makikita na natin ang daan patungo sa “punong kahoy ng buhay” at makakapitas na tayo ng bunga nito, upang humaba at lumusog ang buhay natin – dahil siya ang magtuturo sa atin ng paraan kung papaano makikita at makakamit iyon!

 

Ibig sabihin, wala talagang ikalawang buhay. Mabubuhay at mamamatay tayo sa mundong ito, ngunit nasasaatin kung pagagandahin o pasasamain ito.

 

“wakas ng bagay” – pag narinig na ang propetang inutusan, malalaman mo na ang naitagong mabuti at masama.

 

Gaya ng sinasabing “pangalawang buhay” ng mga relihiyon – ang sabi ni Maestro Evangelista, kung para sa langit talaga tayo, bakit di na lang tayo ipinanganak doon? Bakit kailangan pa tayong ipanganak, mamuhay at maghirap pa sa mundong ito upang makamit ang "ikalawang buhay sa langit"? Dahil iyan ang gusto ng lahat, ang makarating sa langit, ayon sa pangako ng mga relihiyon.

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang “pangalawang buhay” ay hindi totoo, ano ang katunayan?

 

Basahin natin mula sa Banal na Aklat:

Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.

Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;

Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.

Job 14:7-9 (TAB)

“punong kahoy” – buhay para sa tao, kahit putulin sisibol pa rin.

Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?

Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;

Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog. 

Job 14:10-12 (TAB)

Tree can prolong their lives, so it is with man. It is up to him how for long he will live his life, but he doesn’t have a second life. This is the truth that the religions have hidden from us.

 

Kaya ng mga puno na pahabain nila ang kanilang buhay, gaya rin ng tao. Nasasakanya kung gaano kahaba ang ikabubuhay niya, nguni't walang ikalawang buhay.  Ito ang katotohanan na inilihim sa atin ng mga relihiyon!

 

At upang makapitas sa “punong kahoy ng buhay” dapat makinig sa “Salita ng Dios” na dala ng propetang inutusan, siya ang magpapaliwanang kung papaano makakamit ang bunga nito at tungkol naman sa “tubig ng buhay” di ayon sa mga alamat mula sa ibang mga bayan at relihiyon, ano ba ang "tubig ng buhay" sa Banal na Aklat?

Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.

Jeremias 17:13 (TAB)   

Ang Dios ang “tubig ng buhay”! – ibig sabihin, para makamit din natin ang “tubig ng buhay” dapat makinig sa mga salita at mga utos ng Dios.

 

Sa panahon natin ngayon, simboliko na lamang ang “Halamanan ng Eden” – may mga lugar na lamang na gaya pa nito sa kasalukuyan, na mapagkukunan natin ng mga bunga ng mga punong kahoy na magbibigay sa atin ng mga pagkain at mga gamot na magpapahaba ng ating mga buhay!

 

Kaya dapat itigil na natin ang pag sira ng mga kagubatan natin… dahil naririyan ang mga pagkain at mga gamot ng bunga na mula sa mga puno at halaman na gaya ng “Punong kahoy ng buhay”!

 

Totoo ba?

At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling.   

Ezekiel 47:12 (TAB) 

“sarisaring punong kahoy” – May mga bunga upang kainin natin at mayroon ding mga bunga na magagamit upang magpagaling sa ating mga sakit.

 

Anong uri naman ng mga pagkain ang dapat nating kainin na sinabi ng Dios noon? Ano rin ang ipinakakain sa mga hayop?

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

Genesis 1:27  (TAB) 

Tanong: Sa anong uri o wangis natin kalarawan ang Dios?

Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.

Awit 17:15 (TAB) 

Sa katwiran natin kalarawan o kawangis ang Dios, hindi sa kaanyuan.

 

Ulitin ang basa sa:

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

Genesis 1:27  (TAB) 

"Lalake at babae" – sabay nilikha ng Dios. Iba’t-ibang lugar may nilikha na mga tao ang Dios.

 

Sina Adan at Eva ay simboliko (nagsasagisag) na lamang, sila ay nilikha upang magbantay sa Halaman ng Eden noon, nguni’t sa panahon natin, tayo naman ang tapagpangalaga ng buong mundo.

 

At:

At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

Genesis 1:28 (TAB) 

“magkaroon kayo ng kapangyarihan” – binigyan ng Dios ang tao ng kapangyarihan sa mga hayop, mga isda at mga ibon. Sa anong paraan?

 

Upang ating kainin? Ano ang dapat kainin ng tao upang mabuhay?

At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain:

Genesis 1:29 (TAB) 

Maliwanang na ang mga “pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa” at mga “punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi” ay ating dapat kainin.

 

Papaano ang mga hayop? Hindi tayo binigyan ng Dios ng  kapangyarihan na kainin sila.

 

At ang mga hayop, ano ang dapat pagkain nila na sinabi ng Dios?

At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.

Genesis 1:30 (TAB)   

Ang sabi ni Maestro Evangelista, basahin natin kung talagang ipinakakain sa atin ang mga laman ng mga hayop:

Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:

Job 12:7 (TAB)

Sinabi ba na kainin natin ang mga uri nila? Hindi, dapat ay matuto tayo sa kanila.

 

Marami na tayong nilikha na mga gamit at pamamaraan na kinuha natin galing sa mga hayop.

 

Gaya ng paglipad ng mga ibon dito natin nalaman ang paggawa ng mga sasakyang panghipapawid.

O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.

Job 12:8 (TAB) 

Gaya ng pagtatanim o pagsasaka sa lupa, gayon din sa mga isda, nakagawa tayo ng mga sasakyang pangdagat sa ibabaw at sa ilalim nito.

Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?

Job 12:9 (TAB) 

Ang Dios ang may likha ng lahat ng mga ito.

Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

Job 12:10 

Nabasa at narinig natin ang Kanyang Salita sa Banal na Aklat sa pamamagitan ng pahayag ng kanyang propetang sinugo at naunawaan natin.

Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?

Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

Job 12:11-12 (TAB) 

Dapat may natutunan tayo habang tumatanda tayo.

 

Ang pakikinggan dapat ay ang propetang inutusan na magpaliwanag ng mga bagay ng ito sa Banal na Aklat.

 

Sa mga binasa natin, makikita na ang mga utos ng Dios ay hindi nagbabago, mula noon hanggang ngayon.

 

Tungkol sa naman pagkain na mga laman ng mga hayop, ano ang naging bunga nito sa buhay ng mga tao?

At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.

At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.

Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

Genesis 9:1-3 (TAB) 

Ang Dios na ang sumubok sa kanila hinggil sa pagkain. Ito ang pangalawang pagsubok sa tao, kung nauunawaan nila ang kautusan ng Dios o hindi.

 

Dahil kakaunti lang sila noon, katatapos lamang ng baha, sira ang kapaligiran, walang pananim. Ikinatwiran nila na maari na nilang kainin ang mga laman ng mga hayop. Hindi ginamit ang unawa, dahil hindi ipinakakain ng Dios sa tao ang mga laman ng hayop;

Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.

At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.

Genesis 9:4-5 (TAB) 

Tao at kahit hayop ay may pagsusulit sa kanyang buhay kapag kumain ng laman ng hayop.

 

At dahil ng may “malayang pagpapasya” – kinain nila, Gaano na lang ba ang haba ng buhay ng tao nang kumain sila ng laman ng mga hayop?

Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.

Awit 90:10  (TAB)

Umikli ang buhay ng tao nang kumain ng laman ng mga hayop! Di gaya ng mga naunang mga tao ng Dios, ang hahaba ng buhay, dahil kumakain lamang sila ng mga gulay at mga bunga.

 

Gaya ng mga nararanasan natin ngayon, marami na ang mga namamatay sa mga sakit at kagutuman at kung anu-anu pang mga kasakuaan, may pag-asa pa bang bumuti ang buhay ng tao sa mundo?

Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.

Isaias 65:17 (TAB) 

Kung sinabing bago, may luma. Ano ang babaguhin?

 

“hindi maaalaala, o mapapasa isip man.” – higit na magiging maganda at masagana ang buhay ng tao kaysa noon.

Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.

Isaias 65:18 (TAB)  

Panandalian lamang ba ang pagbabagong ito o magpakailan man?

At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.

Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.

Isaias 65:19-21 (TAB)  

Magtatanim tayo ng mga pagkaing magpapahaba ng buhay natin!

Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.

At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.

Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.

Isaias 65:22-25 (TAB)  

Ang Dios ay may pangako sa tao, ngayon pa lamang magaganap ito, kung kikilalanin natin siya at pakikikinggan ang mensahe ng Kanyang sugo.

 

Ano ang katunayan na bagong Jerusalem ang binabanggit na bayan?

Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Apokalipsis 3:12 (TAB)

“na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios” – ibig sabihin ay yung pangako ng Dios ng panibagong panimula para sa lahat ng tao.

 

Inulit pa sa:

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

Apokalipsis 21:1-2 (TAB)

“ang dagat ay wala na” – wala na ang mga hangganan sa pagitan ng mga bayan, lahat ng mga bayan at bansa ay isa na.

 

“na nananaog mula sa langit” – ang pangako ng Dios ng pagtatatag ng bagong Jerusalem.

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

Apokalipsis 21:3 (TAB)

Nasaan iyon? Sino-sino o ano ang bayan ng Dios?

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Zacarias 13:7-9 (TAB)

Ang tatawag sa Pangalan ng Dios ay ang magiging bagong bayan ng Dios!

 

Balik sa:

Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.

Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.

At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.

Isaias 65:17 (TAB)

“ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig” – dahil sa kasalukuyan panay ang mga digmaan, mga lindol, mga bagyo at kung anu-ano pang mga kasakunaan.

Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

Isaias 65:20 (TAB)

Hahaba na ang buhay ng tao…

At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.

Isaias 65:21 (TAB)

Magtatayo ng mga ubasan, hindi babuyan!

Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Isaias 65:22 (TAB)

“kaarawan ng punong kahoy” – ito na lang ang kakainin upang humaba ang buhay ng tao!

Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.

Isaias 65:23 (TAB)

Ano ang katunayan na ang Dios sa mga panahon na iyon ay naririto na?

At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.

Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.

Isaias 65:24-25 (TAB)

“ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka” – totoong mangyayari.

 

“alabok ang magiging pagkain ng ahas” – hindi binago ng Dios ang sumpa sa ahas noon.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa:  Kayo'y magpalaanakin...

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014

 


Home | About | News | Sitemap | Email

Please go to www.facebook.com/Thenameph for more information.
Copyright © 2011 www.thename.ph


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph